BUTUAN CITY – Malaking hamon ngayon ng probinsyal na pamahalaan ng Surigao del Norte ang pagma-manage sa distribusyon ng mga relief goods mataos magsidatingan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at sa mga donors sa iba’t ibang sektor.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Surigao del Norte acting provincial administrator Atty. Premolino ‘Premo’ Plaza na pahirapan pa rin hanggang sa ngayon ang pagtawag sa iba’t iba nilang mga local government units dahil sa pagkakaputol ng mga lifelines lalo na sa komunikasyon na syang tanging paraan upang makakakuha sila ng updated assessment reports sa epektong hatid ng bagyong Odette.
Ayon kay Atty. Plaza, ang supply ng kanilang tubig ay naibalik na ngunit 23-porsiento pa lamang mula sa kabuu-ang konsumidor dahil sa lawak ng danyos na iniwan ng bagyo sa kanilang water connections pati na sa linya sa kuryente na posibleng matatapos ang restoration efforts, mga dalawa hanggang tatlong linggo pa.