-- Advertisements --

Magkakahalo ang reaksyon ng iba’t-ibang opisyal ng US sa pagmamadali ni US President Donald Trump na makauwi sa White House matapos na magpositibo ng coronavirus.

Sinabi ni House Speaker Nancy Pelosi na dapat hindi haluan ni Trump ng pamumulitika ang COVID-19 response ng gobyerno nito dahil lalong magdudulot ng kapahamakan.

Nanawagan naman ang katunggali nito sa pagkapangulo na si Joe Biden na dapat suportahan ang national mask mandate dahil napatunayan na nito na epektibo ang pagsusuot ng face mask para hindi agad mahawaan ng virus.

Hindi rin maiwasan ng dating personal lawyer ni Trump na si Michael Cohen na batikusin ang dating amo nito kung saan mapanganib ang ginawa ng US President hayaan niyang makasalamuha ang staff niya.

Tinutukoy ni Cohen ang ginawang pagbisita ni Trump sa mga supporters habang ito ay kasagsagang nasa pagamutan.

Nauna ng inihayag ng doctor ni Trump na si Sean Conley na patuloy ang paggaling nito.

Mula ng maitakbo ang pangulo sa pangulo ay bumalik na sa normal ang nasabing oxygen level ng US President matapos ang 72 oras.

Kahit na nasa White House na si Trump ay kanila pa rin itong babantayan ang kalusugan.