-- Advertisements --
Nene Pimentel

CAGAYAN DE ORO CITY- Emosyonal na binalik tanaw ng maybahay ng yumaong dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr ang pag-alay nito sa kanyang buhay at pagiging transparent habang nasa paninilbihan sa taung-bayan sa bansa.

Ito ay matapos hindi lamang sumentro sa pamilya bagamat pagmamahal sa bayan ang nananalaytay sa dugo ni Pimentel mapagsilbihan lamang ang sambayanan ng ilang dekada nito na aktibo sa gobyerno simula pa sa panahon ni late President Corazon ‘Cory’ Aquino.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lourdes ‘Bing’ Pimentel na isang karangalan na hindi lamang naka-sentro sa kanilang pamilya subalit pangkalahatan ang pagpasok ng dating senador sa serbisyo sa gobyerno ng ilang dekada.

Inihayag ni Gng Pimentel na nagawa ng kanyang asawa ang mga mahahalagang bagay na nagamit ng husto ng pamahalaan partikular ang pagkabuo ng Local Government Code of the Philippines na naka-sentro sa local government units sa bansa.

Labis na nagpapasalamat rin ang pamilya na hanggang sa huling sandali ay hindi bumigay ang taung-bayan kung saan nagpaabot sila ng panalanganin na sana malagpasan ni Pimentel habang naka-intensive care unit (ICU) para labanan ang kakaibang uri ng kanser na dumapo sa kanyang katawan.

Si Pimentel na hinangaan dahil sa angking prinsipyo at malaking pagmamahal sa bayan ay inaantay nang maibiyahe patungo sa Cagayan de Oro para sa public viewing sa city hall sa Oktobre 24-25,2019 bago ibalik sa Maynila upang mahatid sa kanyang huling hantungan.