CEBU CITY – Tahasang pinuna ni Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) Assistant Secretary Jonjie Gonzales ang pagiging pasaway umano ng ilang mga motorbanca operators kahit na istrikto ang Philippine Coast Guard (PCG)-7 sa pagpapatupad ng mga standard operating procedures.
Pahayag ito ng OPAV matapos nag-half submerge ang isang motorbanca sa karagatan ng Olango Island sa Cebu kung saan na-rescue naman agad ang mga sakay nito.
Ayon kay Gonzales, mahigpit na ipinapatupad ng PCG ang mga security protocols upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero lalo na kung masama ang lagay ng panahon.
Samantala, inaasahan naman ang pagdating ng labi ng pamilya Baguio at Janson ngayong hapon sa Cebu City.
Sinabi ni Gonzales na wala pa ring pagbabago sa schedule lalo na at wala pa silang natanggap na mga paalala.
Dagdag pa nito na inaayos na ang pagdating ng nasabing biktima ng trahedya sa Iloilo-Guimaras Strait sa kanilang hometown sa Barangay Ermita kung saan ito ibuburol sa isang gymnasium.