-- Advertisements --

Hindi dapat isisi sa PNP at AFP ang pagmasaker sa siyam na sugarcane workers sa Sagay City, Negros Occidental.

Ito ang iginiit ni PNP chief PDGen.Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na malakas ang indikasyon na mga NPA ang posibleng may gawa ng pagpatay sa mga magsasaka at pilit itong ipinupukol sa mga alagad ng batas.

Giit ni Albayalde, ang Sagay 9 massacre ng CPP NPA ay bahagi ng kanilang Oplan bungkalan at okupasyon, na layon nito para okupahin ang mga private and government properties sa pamamagitan ng mass base na magdudulot ng mga senaryo kung saan sa gobyerno ibubunton ang sisi.

Pina alerto din ni albayalde ang lahat ng mga police stations lalo na sa mga lugar na may mga presensiya ng mga NPA para maiwasan ang mga pag atake at pananambang.

Samantala, tila ipinain sa kamatayan ang siyam na biktima ng massacre sa Sagay City.

Ayon kay PNP PRO-6 regional police director CSupt. John Bulalacao na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, na nirecruit ng core group ng National Federation of Sugar Workers ang mga biktima na mula sa iba pang barangay.

Nirecruit ang mga biktima para manatili sa lugar, matapos silang iwanan bigla na lamang pinagbabaril ang mga biktima.

Ongoing pa ang isinasagawang paraffin at ballistic examinations ang PNP SOCO.

Naimbestigahan na rin ang tatlong persons of interest na tinukoy ng PNP.

Inihayag ni Bulalacao na dalawang araw pa lamang na miyembro ng National Federation of Sugar Workers ang mga biktima.