-- Advertisements --

Nananawagan ngayon ang isang environmental group na imbestigahan ang mga operasyon ng isang mining company sa Davao de Oro kasunod ng insidente ng landslide sa isang minahan sa bayan ng Maco na kumitil na sa ilang katao at ikinasugat naman ng 40 katao.

Ayon kay Kalikasan People’s Network for the Environment national coordinator Jon Bonifacio, nararapat na magsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad ng imbestigasyon dahil ang trahediya ay dulot ng nakamamatay na epekto ng climate change at ireponsableng mga negosyo.

Kayat dapat na hindi hayaan na lamang ang operasyon ng mining firm na Apex Mining Co. na nago-operate sa Maco, Apex kasunod ng naturang trahediya.

Samanatala, hinikayat naman ng Youth Advocates for Climate Action Philippines ang pamahalaan na tulungan ang mga komunidad at pamilyang naapektuhan ng naturang trahediya.

Ayon sa grupo, responsable umano ang naturang kompaniya sa pagka-displace ng mga komunidad sa Davao para lamang maisakatuparan ang kanilang malaking mining operations.

Sa parte naman ng kompaniya, sinabi nito na nangyari ang landslide sa isang terminal ng mga bus na naghahatid sa mga empleyado nito na nasa labas ng kanilang mine operations.

Maalala na na-trap ang 41 empleyado ng kompaniya dahil sa landslide ayon sa Eastern Mindanao Command nitong Miyerkules.