Ipinagpaliban muna ng Quezon City Government ang pagmumulta sa mga bikers na walang helmet sa simula October 15.
Nais kasi munang bigyan ng pagkakataon ng pamahalaang lokal na makabili muna ng mga helmet ang mga bikers.
Sa ngayon, patuloy munang mamimigay ang Quezon City Department of Public Order and Safety ng libreng bike helmets sa mga residente ng siyudad.
Pero tiniyak ng Quezon City government ang pagpataw ng multa ay magsisimula na sa October 31.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nasabing hakbang ay para bigyan ng tulong ang mga residente ng siyudad na walang kakayahang bumili ng helmet.
“We will continue the distribution of free helmets as consideration to those who still don’t have one,” pahayag ni Mayor Belmonte.
Una ng inaprubahan ni Belmonte ang Ordinance No.SP-2942 nuong nakaraang buwan para hikayatin ang mga bikers na magsuot ng helmet bilang kanilang proteksiyon.
Sa nasabing ordinansa, may multa ang mga lalabag sa ordinansa P300 hanggang P1,000 ang penalty.
Sa unang offense nasa P300 ang penalty, sa second offense P500 ang multa habang ang ikatlong offense nasa P1,000 ang penalty.