Matapos nga ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibleng pagdalo nito sa isinasagawang pagdinig ng House Qaud Committe, sinabi ni Manila Representative Bienvenido Abante Jr. na isa itong “welcome development” .
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na malaking bagay ang naging pahayag ng dating pangulo hinggil sa intensyon nitong pagdalo sa pagdinig ng kamara hinggil sa umano’y mga kaso ng EJKs sa panahon ng dating administrasyon at ipa pang usapin.
Inimbitahan na rin aniya ng kanyang komite noong mga nakalipas na pagdinig ngunit nabigo ang dating pangulo na dumalo.
Nilinaw naman ni Abante na sa susunod na pagdinig sa Biyernes , Oct 11 ay posibleng hindi kasama si FPRRD.
Aniya, may mga nakatakdang dumalo na ibang witness at resource persons para sa pagpapatuloy ng pagdinig.
Samantala, sakaling matuloy ang pagharap ng dating pangulo sa House Quad Committee ay igagalang ito at magbibigay sila ng kaukulang kurtisiya.