BAGUIO CITY – Naging hot topic sa huling bahagi ng Debate sa Bombo ng mga mayoralty candidates sa Baguio City ang “tarpaulin” ng mga ito.
Iniyapela ni Atty. Ed Avila sa mga kasama niyang kandidato ang kanilang pagpapanatili sa patas na halalan kung saan partikular na binanggit niya ang hingi pagnanakaw ng tarpaulin ng may tarpaulin.
Aniya, mahal ang mga tarpaulins at kahit pa mapuno ng tarpaulins ang buong Baguio ay hindi naman boboto ang mga tarpaulins.
Dinagdag niya na kailangang mismong mga kandidato ang pupunta sa mga tao.
Naintriga naman si dating City Tourism Officer Benedicto Alhambra sa sinabi ng mga kasama niyang mga kandidato sa pagka-alkalde na walang pera ang mga ito gayong mamahalin naman ang mga sasakyan ng mga ito.
Kinuwestiyon niya kung bakit ang mga kandidatong nagsisilbi sa lungsod ay sila pa ang may pinakamaraming tarpaulins sa buong Baguio.
Kinuwestiyon pa niya kung hindi ba kilala na ng mga tao ang mga ito o kung nakaupo lamang ang mga ito sa city hall at lalabas lamang kung may kampanya at kapalit nito ay ang paglalagay ng maraming tarpaulin.
Maaalalang ilan sa mga mayoralty bet sa Baguio ay ilang incumbent city officials.