Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Germany para maaresto ang mga suspek na nagnakaw sa tatlong diamond set mula sa pinakamalaking treasure collections ng Europa.
Ang bawat historic sets ay binubuo ng 37 parts ay ninakaw sa Dresden Green Vault sa eastern Germany.
Ayon kay Marion Ackerman, ang namumuno sa Dresden state museum, na tatlo sa 10 diamond sets ang ninakaw ng mga suspek subalit hindi na binanggit kung magkano ang halaga ng mga ninakaw.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinira ng mga suspek ang iron grille window sa ground floor ng museum at binasag ang salamin.
Inaaral na ng mga kapulisan ang kuha ng cctv kung saan naniniwala sila na isang grupo ang gumawa ng insidente.
Narekober din ng mga otoridad ang isang nasusunog na kotse na hinihinalang ginamit ng mga suspek bilang getaway vehicle.