-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Kinumpirma ng Philippine National Police na hindi election related incident ang nangyaring pagnanakaw sa tahanan ng tumatakbong kongresista sa bayan ng Bato sa Catanduanes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Emsol E. Icawat tagapagsalita ng Catanduanes Police Provincial office, base umano ito sa naging kumpimasyon ni Acting Election Officer Amelia Arizabal ng COMELEC Bato.

Kung titingnan kasi ang kaso, kahit pa nasa P20 milyon ang nanakaw na pera ng mga suspek, hindi naman ito direktang nakakaapekto sa takbo ng eleksyon habang wala namang ibang politiko na sangkot sa insidente.

Maliban dito, malinaw rin na pagnanakaw ang motibo ng mga suspek kung kaya maaaring nagkataon lamang na politiko ang biktima at nangyari ang insidente sa panahon ng kampanya.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng PNP ang pagtutok sa kaso kung saan bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) “Batalay” upang mas mapabilis ang pagresolba sa kaso.