-- Advertisements --
Target ng gobyerno na matapos ang pagpapabakuna sa mga menor de edad hanggang sa buwan ng Disyembre ngayong taon.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr na magkahalo na ang first and second dose sa pagpapabakuna ng mga bata kaya magiging mabilis na rin ito.
Binuksan na rin ng national immunization technical advisory group at lahat ng mga expert group na magkaroon ng third dose sa mga health workers at immunocompromised.
Kapag mabakunahan ang mga bata ay may tsansa na rin silang makalabas matapos ang halos dalawang taon na pananatili sa loob ng bahay.
Base kasi sa talaan ng DOH na mayroong 1.2 milyon na edad 12-17 ang may commobidities sa bansa ang target na maturukan ng COVID-19.