Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpabor ng Supreme Court (SC) na palawigin pa ng isang taon ang pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang nasabing desisyon ng SC ay magiging daan para ipatupad ng militar ang inatang sa kanila na trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ni Arevalo na ang pagkatig ng Supreme Court sa kanilang rekomendasyon ay itinuturing nilang “vote of confidence” sa AFP.
Sinisiguro naman ng AFP na gagawin nila ang lahat [ara maprotektahan ang mga Mindanaoan laban sa mga rebelde at teroristang grupo.
Tiniyak din nito sa publiko na ipapatupad ng militar ang kanilang trabaho ng buong katapatan at protektahan ang estado na may respeto sa Human Rights at International Humanitarian Law.
Sa panig naman ng Philippine National Police, sinabi ng kanilang spokesperson na si John Bulalacao na makabubuti ang naging desisyon ng Korte Suprema.