-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pinauwi na ang Serbian Tennis Superstar na si Novak Djokovic matapos na ibasura sa Australian judge ang kanyang apela.

Sinasabi na nauna ng kinansela sa Autralian government ang visa ni Djokovic kahit na nabigyan ito ng medical exemption.

Kung maalaala naabutan ng sampung araw itong nag-apela subalit dalawang beses kinansela ang visa matapos naghigpit sa mga manlalaro na hinde pa bakunado laban sa COVID 19 ang Australia.

Paraan din umano para maisapinal ang pagpadeport kay Djokovic ginamitan siya ng discretionary power kung saan sinabi ni Bombo International Correspondent Aiden Sweden na mahirap na itong kwestyunin.

Habang ikinatuwa ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang desisyon at sinabi na ang nasabing pamaraan para mas mapalakas pa ang kanilang border at mapanatiling ligtas ang mga mamamayan.

Maliban sa kay Morison marami din ang natuwa sa pagpadeport kay Djokovic maliban na lamang sa kanyang mga tagahanga at supporters dahil nagpapakita lamang ito ng patas na pagtrato sa gobyerno sa mga tao.

Dahil sa pagdeport kay Djokovic hindi na ito maaring makapasok ng bansa sa loob ng tatlong taon .