-- Advertisements --
Ibabalik na ng Archdiocese of Manila ang pagpaphid ng abo sa noo sa pagsisimula bukas ng Ash Wednesday.
Mula kasi noong COVID-19 pandemic ay ibinubudbod lamang sa ulo ng mga pari ang mga abo tuwing Ash Wednesday.
Dahil na rin sa nagluwag na ang gobyerno ay ibabalik na nila ang nakagawian.
Ang nasabing kautusan ay nakasaad sa inilabas na circular ng Archdiocese of Manila .
Mariing ipinagbabawal pa rin ang sariling paglalagay ng mga abo sa noo.
Ang pagbudbod ng abo sa ulo ay matagal na ng isinasagawa sa ibang bansa gaya sa Italy.
Ipapaubaya naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga lokal na pari ang mga pagpapatupad nila ng mga panuntunan sa paglalagay ng abo sa obserbasyon ng ash Wednesday.