-- Advertisements --

ROXAS CITY – Natakdang makipagpulong si Capiz Governor Esteban Evan Contreras II sa mga kasapi ng Provincial Inter-Agency Task Force on COVID-19 para pag-usapan kung palalawigin o i-downgrade ang Enhanced Community Quaratine sa lalawigan.

Ito ang naging pahayag ni Governor Contreras sa isinagawang public address ni President Rodrigo Duterte kaninang umaga.

Patuloy rin ang paglilibot ng gobernador sa mga kabayanan para malaman ang estado ng mga Capizeño na nasa kanilang mga tahanan bilang pagsunod sa stay-at-home policy ng gobyerno.

Malalaman sa darating na Lunes ang desisyon ng Provincial IATF on COVID-19 kung palalawigin pa o i-dodown grade ang ECQ hanggang sa Mayo 15.

Ngunit sa opinyon ng gobernador ay maaari nang i-down grade sa General Community Quarantine ang lalawigan dahil unti-unti nang humuhupa ang pagdami ng COVID-19 cases.