-- Advertisements --

Nakiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga mamamayan ng Leyte at sa Tingog Party-list sa pakikiramay sa pagpanaw ni dating Leyte Gov. Edgar Mercado Enerlan, na inialay ang kanyang buhay sa pagseserbisyo at dedikasyon sa mga kapwa Waray.

Ayon sa lider ng Kamara de Representantes ang pagpanaw ni Enerlan ay isang malaking kawalan para sa lalawigan at sa mga Leyteño.

Inilarawan din ni Speaker Romualdez ang pumanaw na gubernador na “a pillar of strength and wisdom who helped lay the foundation for what Tingog Party-List stands for today.”

Kumpiyansa ang lider ng Kamara na ang mga prinsipyo sa pamumuno ni Enerlan ay mananatiling gabay ng mga susunod sa kanyang yapak upang maabot ang pag-unlad sa isang inklusibong Pilipinas.

Ipinahatid din ng lider ng Kamara ang “deepest condolences” niya at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamilya ni Enerlan.

“As Speaker of the House and a son of Leyte, I stand with his loved ones and the many communities he touched. We grieve together, we remember together, and we commit to keeping his legacy alive through our continued service. Rest well, Mano Edgar. You have run your race with honor. We will carry on the torch you have passed,” pagtatapos ni Speaker Romualdez.