Nakikiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagluluksa sa pagpanaw ni dating Solicitor General Estelito “Titong” Mendoza.
Sa isang pahayag, sinabi ng lider ng Kamara de Representantes na si Mendoza ay “a cherished brother” sa Upsilon Sigma Phi fraternity.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang karera ng kanyang fraternity brother sa serbisyo publiko ay patunay ng galing at dedikasyon nito.
Bilang Solicitor General noong 1972 hanggang 1986, matagumpay na na dinepensahan ni Mendoza ang 1973 Constitution sa mga tumutol dito.
Ipinaabot ng House leader ang kanyang maigting na pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Mendoza.
Saad pa ni Speaker Romualdez, ang mga kontribusyon ni Mendoza sa bayan lalo na sa legal na propesyon ay maaalala at iingatan.
“Rest in peace, Brother Titong,” ayon pa kay Speaker Romualdez.