-- Advertisements --
Kung mamatay ang isang Pope magsisimula ito ng siyam na araw ng pagdadalamhati na tatawaging ”Novendiale”, isang tradisyon sa Roma. Kung saan sa panahong ito, magdedeklara ng isang national mourning ang Italya bilang paggalang sa pinuno ng simbahang katolika.
Ang katawan ng Pope ay ipapanalangin, dadamitan ng mga kasuotang pang papal at maglulunsad ng isang public viewing sa St. Peter’s Basilica.
Inaasahang daan-daang libong tao, kabilang ang mga banyaga at mga pinuno sa iba’t-ibang mundo, ang dadalaw upang magbigay galang sa isang Pope.
Kung saan ang katawan ng Pope ay ilalagay sa isang mataas na platform o ”catafalque”, at isang simpleng ritwal ang gagawin.