LEGAZPI CITY- Naghahanda na ang mga local government units sa mga lugar sa Bicol na inaasahang maapektohan ng Bagyong Ulysses halos dalawang linggo pa lang ang nakakalipas ng tamaan ng Super typhhon Rolly ang rehiyon.
Subalit aminado ang mga otoridad na pahirapan sa ngayon ang pagpapaabot ng impormasyon sa mga residente dahil sa tindi ng pinsalang dala ng nakaraang bagyo na nagdulot ng pagkawala ng network signal at suplay ng kuryente sa maraming lugar.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay OCD Director for Operations Service Rafaelito Alejandro, may mga areas na pahirapan na maabot ng impormasyon patungkol sa bagyo kung kaya doble ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga local government units at maging sa media.
Agad naman na ipinag-utos ng OCD ang pagpapalikas sa lahat ng mga residente na nakatira sa mga landslide at flashflood prone areas maging ang mga tumutuloy sa mga tahanan na may nakita ng sira dala ng naunang bagyo.
Sa ngayon nasa 700 na mahigit sa 700 na ang mga naiulat na nastranded sa buong rehiyon dala ng bagyo.