-- Advertisements --

Nais hilingin ni Presidential adviser on creative communications at film director Paul Soriano sa mga mambabatas na kung maari ay magpasa ng batas sa pagpapababa ng ticket sa mga sinehan.

Ayon kay Soriano na dumarami lamang ang mga tao sa sinehan tuwing Disyembre at pagdating ng mga ordinaryong buwan ay wala ng pumapasok at tumatangkilik ng mga lokal na pelikula.

Sa nasabing hakbang aniya ay mapapalakas ang promosyon ng industrya ng lokal na pelikula.

Inihalimbawa nito ang pagkakaroon ng mga libreng sakay na ito ay maaring maisagawa rin sa mga sinehan para sa ganun ay maraming tumangkilik sa mga lokal na pelikula.