-- Advertisements --
Naniniwala si US President Donald Trump na isang aksidente at hindi sinadya ang pagbabagsak ng Iran sa US military surveillance drone sa Strait of Hormuz.
Sinabi ni Trump na nagkaroon lamang ng human error ang Iran sa nasabing insidente.
Nauna ng sinabi ng Iran na lumabag ang drone sa Iranian airspace.
Depensa naman ng US na ang unmanned drone ay nasa international waters at wala sa airspace ng Iran.