-- Advertisements --

Mayroong posibilidad na taon-taon kailangan bakunahan kontra COVID-19 ang isang tao, ayon kay dating Health Secretary at kasalukuyan ay Iloilo Rep. Janette Garin.

Sa isang pulong balitaan, inihalimbawa ni Garin ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinopharm.

Noong nakakuha kasi aniya ito ng Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drugs Administration (FDA), natukoy na ang effectiveness nito ay aabot ng hanggang dalawang taon.

Subalit nakasaad naman sa literature nito nang mabigyan ng Certificate of Product Registration bago matapos ang taong 2020, napag-alaman naman na ang effectiveness nito ay aabot lamang sa isang taon.

Kaya kung siya ang tatanungin, hindi kailangan kaagad na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 ang mga gumaling sa naturang respiratory disease.

Paliwanag ng kongresista, ang anti-bodies sa katawan ng isang COVID-19 recovered patient ay tumatagal ng hanggang anim na buwan.