Inuulan ng batikos ang isang pagamutan sa Warsaw, Poland dahil sa naging prioridad nilang turukan nila ang mga pulitiko at artista.
Sinimulan kasi ng Poland ang kanilang vaccination program noong Disyembre 27, 2020 na dapat ay unang mabakunahan ang mga medical workers.
Inamin naman ng Medical University of Warsaw hospital na nabakunahan nila ang 18 cultural figures na nagsisimulang ambassadors for vaccination campaign.
Mayroong 450 shots ang kanilang naibigay kabilang ang 300 para sa kanilang staff members at 132 sa pamilya at pasyente.
Kabilang sa mga nabakunahan ay ang actress na sina Maria Seweryn, Michal Bajor na isang 63-anyos na singer at ang 65-anyos na TV journalist na si Edward Miszczak.
Binabatikos rin ang ilang mga local politicians kabilang ang mga miyembro ng ruling Law and Justice (PIS) party dahil sa pagtanggap ng bakuna kahit hindi pa sila ang prioridad.
Sinabi ni Prime Minister Mateusz Morawiecki, na isang tunay na scandal ang pangyayari at walang dapat na ipaliwanag dahil sa pagbabalewala ng batas.
Mayroon na kasing 50,000 katao ang nabakunahan na at inaasahang 2.9 milyon ang nakatakdang mabakunahan sa unang tatlong buwan ng 2021.