-- Advertisements --
Sisimulan ngayong araw ng Caloocan City government ang pagpapabakuna sa mga residente na nasa mahihirap na estado ng buhay.
Sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na ang mga A5 category o mga poor residents ay maaaring na makihalubilo sa mga nasa kategorya ng A1, A2, A3 at A5.
Pinayuhan din nito ang mga magpapabakuna na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay opisyal para sila ay makapagparehistro at para na rin sa profiling.
Magugunitang binuksan na ng national government ang pagpapabakuna sa mga nasa A5 category para mapabilis ang pagkamit ng herd immunity.