-- Advertisements --
Sisimulan sa Nobyembre 5 ang pagpapabakuna sa mga minor dependents ng mga manggagawa mula sa private sector.
Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nakausap na niya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease at pumayag na sila na bakunahan ang mga edad 12-17 sa Nobyembre 5.
Gagamitin din aniya ang nasa 400,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna na nakatakdang mag-expire sa susunod buwan.
Isasagawa aniya ang mga pagpapabakuna sa mga kasalukuyang quarantine sites na ginagamit na ng gobyerno.