BACOLOD CITY – Pag-aaralan pa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pros and cons sa pagpapabalik kay weightlifting star Hidilyn Diaz sa Pilipinas mula sa Malaysia.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay PSC officer-in-charge Ramon Fernandez, sakaling bumuti na aniya ang sitwasyon sa Metro Manila, maaaring mapauwi na raw si Diaz.
Ngunit ayon kay Fernandez, sa ngayon ay pag-eensayo muna ni Diaz para sa Olympic Qualifying tournament ang kanilang focus.
Sa panig naman ni Diaz, nag-a-adjust pa rin daw ito sa gym training dahil medyo nakasanayan ng katawan niya ang naging traning sa condominium.
Pero ipinagmalaki ng Olympic weightlifter, nakukuha na rin daw niya ulit ang diskarte kasabay ng pagnanais na ikatawan ang Pilipinas sa Olympics.