Umani ng samu’t saring reaksyon sa publiko ang panawagang bilisan ang pagpapalabas ng one-time rice allowance para sa mga pampublikong guro.
Sa allowance na ito ay bibigyan ang mga guro ng 25 kilos na bigas.
Kung maaalala ayon sa administrative Order No. 2 na nilagdaan noong 2022 ay bibigyan ng one time rice allowance ang mga empleyado ng gobyerno.
Ngunit hanggang ngayon ay may iilan paring mga empleyado at guro ang hindi nakakatanggap ng nasabing rice allowance.
Kaya naman ayon sa Alliance of Concerned Teachers Philippines ay bilisan na ito dahil ang mga guro ay may karapatan rin dito.
Ang pahayag na ito ay sinang ayonan naman ni Jerry Valerio isang driver, aniya huwag na itong patagalin pa, kung aprubado naman ay ibigay na upang makatulong na rin sa mga guro.
Samantala, para naman kay Joseph Francisco isang tindero, kahit na mabilis o matagal ang pagbibigay ng rice allowance, hindi parin ito sapat sa pangangailangan ng mga guro.
Aabutin lamang raw ito ng halos ilang araw lalo na kung marami ang bilang nila sa pamilya.
Kasabay ng pagpapabilis ng pagmamahagi ng rice allowance ay ang panawagan na tiyaking maganda ang kalidad ng bigas na ibibigay sa mga guro.
Kung maaalala kasi nakatanggap ang Alliance of Concerned Teachers Philippines ng reklamo na ang bigas na ipinamahagi sa Nueva Ecija, Mindoro at Bacolod City ay hindi nakakain.