Nilagdaan ng DOTr at DICT ang Memorandum of Understanding kung saan ito ay naglalayong mapamahalaan ng mas maayos ang transport infrastructure projects sapamamagitan ng interconnection at intergration ng E-governance.
Sa ilalim ng agreement na ito, tutulungan ng DICT ang DOTr na maidentipika at makapag develop ng bagong sistema at applications upang masiguro ang mas epektibo at magandang serbisyo sa publiko.
Itong sistema at applications ng DOTr ay magiging konektado sa DICT.
Magkakaroon rin ng consultations at trainings para sa mga personnel ng DOTr kaugnay ng facilitation ng integration at interconnection ng sistema at applications.
Ayon pa kay DOTr Secretary Jaime Bautista, ang pag digitalize raw ng implementasyon at konstruksyon ng mga proyekto ay malaki ang maitutulong upang matiyak ang mataas na standard ng kaligtasan.
Ang goal raw DOTr na magkaroon ng digital transformation ay maisasakatuparan sa lalong madaling panahon sa tulong ng DICT.