-- Advertisements --
tubig

Tiniyak ng Maynilad Water Services Inc. na i-improve ang kanilang serbisyo sa susunod na taon.

Ito’y matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kanilang water rate hike request.

Sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Patrick Lester Ty na ang kanilang regulatory office ay naglagay ng “no tariff adjustment maliban sa inflation” na kondisyon sa rate rebasing adjustment ng Maynilad hanggang sa mapahusay nito ang mga serbisyo ng tubig para sa mga customer nito.

Humingi ang Maynilad ng P3.29 kada cubic meter water rate adjustment simula Enero ng susunod na taon.

Para sa mga sumunod na taon, iminungkahi ng Maynilad ang P6.26 na pagtaas noong 2024, P2.12 na pagtaas noong 2025, at P0.84 hanggang sa mahigit P1 na pagtaas mula 2026 hanggang 2027.

Ang rate adjustment ay inilaan upang pondohan ang P150-bilyong expansion plan ng Maynilad na ipatutupad sa loob ng limang taon.