KORONADAL CITY- Ikinadismaya ng mga residente ng Sri Lanka ang impormasyon na bag-o paman ang serye ng pagpapasabog sa bansa, nakatanggap na ng report ang mga opisyal ng gobyerno sa posibleng pag-atake.
Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bombo International Correspondent Narada Dissanayake, tagapagsalita ng Sri Lanka Freedom Party, kinumpirma nito na inamin ni Cabinet spokesman Rajitha Senaratne ang nasabing pagbabanta na ipinadala pa noong Abril 4, 2019.
Taliwas naman ito sa una nang pahayag ni PM Ranil Wickremesinghe kung saan mariin nitong itinanggi ang nasabing impormasyon at tinawag umano ito na pagsapubliko ng False Documents.
Labis ang pagkadismaya ng mga residente dahil hindi naaksyunan ang nasabing threat.
Ayon kay Dissanayake, napigilan sana ang nasabing trahedya sa kanilang bansa kung binigyan ng kaukulang aksyon ng gobyerno ang kanilang natanggap na pagbabanta.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mahigit 20 suspek na may kaugnayan sa Sri Lanka Easter Bombing.