Nilinaw ng Philippine Air Force (PAF) na walang kaugnayan sa nagpapatuloy na tensiyon sa West Philippine Sea ang pagpapadala ng fighter jets ng bansa para sa Pitch Black Exercises 2024.
Paliwanag ni Lieutenant Colonel Mario Mendoza, miyembro ng PAF contingent na matagal ng lumalahok ang PH sa naturang pagsasanay at nagkataon lamang na ang layunin ngayong taon ng iterasyon ng Pitch Black 2024 na maisama ang mga eroplano ng bansa.
Sa nagdaan kasing iterations ng naturang pagsasanay, nag-deploy ang PAF ng personnel para makibahagi bilang observers lamang.
Kabilang nga sa mga pagsasanay na isasagawa sa Pitch Black 2024 ay interoperability flights, night flying, simulated aerial attacks at pagharang sa mga unidentified aircraft na pumapasok sa airspace ng ating bansa.
Nasa 21 bansa ang lalahok sa naturang pagsasanay na nagsimula nga ngayong araw ng Lunes, Hulyo 8.
Makikinahagi dito ang fighter jets ng United States, United Kingdom, Japan, Canada, France at Germany.
Sa panig ng PH, nasa 200 PAF personnel ang makikilahok dito.
Ang Pitch Black exercise nga ay biennial multi-national large force employment exercise na nagtatagal ng 3 linggo.