Mas lalong umigting ang paniniwala ng United States na Iran ang nasa likod ng pag-atake sa Saudi Aramco matapos ilabas ang inisyal na resulta sa isinagawang imbestigasyon kung saan halos lahat umano ng ebidensya ay itinuturo na ang Iran ang utak sa likod ng insidente.
Naagbigay direktiba na nga si President Donald Trump ng pagpapadala ng dagdag pwersa militar sa Saudi at UAE upang tulungan ang rehiyon na depensahan ang kanilang sarili.
Ayon kay Defense Secretary Mark Esper, nakahanda na raw ang Pentagon na pabilisin ang pag-deliver ng military equipment sa dalawang bansa upang paiigtingin pa ang kanilang abilidad na protektahan ang kani-kanilang rehiyon.
Hakbang umano ito ng American president upang magbigay ng malinaw na mensahe sa Iran na suportado ng US ang kanilang mga kaalyadong bansa.
“We will also work to accelerate the delivery of military equipment to the Kingdom of Saudi Arabia and the UAE to enhance their ability to defend themselves,” saad ni Esper.