Itinuturing ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na counterproductive kung gagamitin na ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa Amerika kasunod ng pinakahuling insidente ng harassment sa tropa ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa Pangulong Marcos, hindi makakabawas sa tensiyon ang paggamit ng nasabing tratado at sa halip, mas makakadagdag pa aniya ito sa mainit na sitwasyon sa lugar.
Hindi naman aniya sapat sabi ng Pangulo ang ginawang paggamit ng military grade laser ng Chinese Coast Guard para ikonsidera ang MDT bilang opsyon.
Dagdag ng Pangulo na mayroon ding patuloy na ugnayan ang Pilipinas sa treaty ally nito hindi lamang sa Amerika kung hindi pati na sa Asian partners ng bansa.
Ito ayon sa Pangulo ang nakikita niyang pinakamainam na hakbang sa halip na pairalin o gamitin na ang Mutual Defense Treaty na mas magbibigay init sa halip na magpalamig sa tensiyon