-- Advertisements --

Ipinakita na sa publiko ni US First Lady Melania Trump ang ginawa nitong pagpapaganda sa White House Rose Garden.

Mula pa kasi noong nakaraang buwan ay isinailalim sa pagsasaayos ang nasabing lugar kung saan pinamunuan mismo ng US first lady ang nasabing pag-aayos.

Gagamitin niya umano itong background para sa kaniyang pagtalumpati sa nalalapit na Republican National Convention.

Binago nito ang mga halaman ganun din ang mga limestone walkways.

Ang nasabing restorationa ay ibinase sa orihinal na desenyo at porma ng Rose Garden na itinaguyod pa noong panahon ni President John F. Kennedy na ipinatupad sa pamamagitan ni horticulturist at philanthropist Rachel “Bunny” Mellon noong 1962.