Nasa pagpapasya ng mga opisyal ng Department of Justice at Bureau of Immigration ang pagpapahintulot sa pagpasok ng mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) dito sa Pilipinas ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra.
Aniya walang rason para pigilan ang mga opisyal ng ICC na makapasok sa bansa hangga’t wala silang iligal na mga aktibidad na gagawin at magroong kaukulang travel documents.
Subalit ang pagpapahintulot sa ICC investigators ay nakadepende pa rin aniya sa assessment ng immigration at patnubay mula sa Department of Justice.
Una na ring sinabi ni SolGen Guevarra na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may huling desisyon para payagan ang kahilingan na pakikipagtulungan ng pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng nagdaang Duterte administration.
Sa parte naman ng Commission on Human rights, hindi ito pipigilang makipagtulungan sa mga opisyal ng ICC dahil isa itong independent body.