CAGAYAN DE ORO CITY – Sisimulan na ngayong araw ang pagtatag ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa Region 10.
Gagawin ang isang meeting sa Malaybalay City, Bukidnon na pangungunahan ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar matapos siyang itinalaga ni President Rodrigo Duterte bilang chairman ng Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS).
Sinabi ni Andanar na pangunahing layunin ng Regional Task Force na mapaigting ang localized peace talks ng pamahalaan para maresolba ang matagal ng problema sa insurhensiya ng bansa.
Inaasahan din na dadalo sa naturang pagtitipon sina DND Sec. Delfin Lorenza, DILG Sec Eduardo Ano, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Chairman-National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr at iba pang mga personalidad.