CENTRAL MINDANAO-Isang kumukutikutitap at makulay na kapitolyo ang bumungad sa mga opisyal,kawani at bisita na sumaksi sa pagpapailaw ng mga christmas lights and decors sa harap ng Provincial Capitol Grounds, Amas, Kidapawan City na hudyat ng masayang pagsalubong sa darating na kapaskuhan.
Masaya at excited na pinangunahan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang ceremonial lighting kasama sina Vice Governor Efren F. Piñol, provincial board members, Provincial Adminstrator Aurora P. Garcia, department heads at kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Inimbitahan din ng gobernadora ang lahat ng Cotabateño na bisitahin ang kapitolyo kasama ang pamilya at kaibigan upang makita ang taglay nitong ganda lalo na pagdating ng gabi.
Maliban sa ceremonial lighting nagkaroon din ng fireworks display na labis ding ikinatuwa ng mga taong bumisita at sumaksi sa aktibidad.