Hindi makatwiran at hindi nararapat ang pagpapakalat ng 2,000 police personnel upang salakayin ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound.
Ito ang iginiit ni Senadora Imee Marcos kung saan kinondena nito ang “labis” na paggamit ng pwersa ng mga kapulisan habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa puganteng si Apollo Quiboloy at iba pang akusado.
Nahaharap si Quiboloy para sa mga kasong sexual abuse, child abuse, at qualified trafficking cases.
Hinimok ni Marcos ang pambansang pulisya na unahin ang kaligtasan ng mga sibilyan at mas maging maingat sa kanilang mga kinikilos.
Ito na aniya ang pangalawang pagkakataon na nagpamalas nang hindi katanggap-tanggap na pwersa ang PNP kung saan kailangan na aniya itong mahinto at hindi na maulit pa.
Giit nito, isang malaking dungis ito sa hanay ng pulisya.