-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil ang magandang resulta ng pagpapakalat nila ng mga kapulisan sa kalsada.

Sinabi nito na nagiging epektibo ang pagkakaroon ng mga kapulisan sa kalsada dahil sa mabilis ang kanilang responde sa mga krimen.

Makikita rin aniya sa mga bilang ng mga natugunan na kaso na ito ay mula sa pinakalat na kapulisan sa kalsada.

Nanawagan din ito sa mga publiko na huwag matakot at agad na lapitan ang mga kapulisang nakakalat kapag may mga krimen silang nakita.