-- Advertisements --
Pinatigil na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpapakawal ng tubig sa Magat Dam sa Luzon simula pa nitong Biyernes.
Naabot na kasi ng PAGASA Hydrometeorology Division ang sapat na lebel ng tubig sa dam sa 191.38 meters na ngangahulugang nasa 1.62 meters ang naibawas mula sa normal water level nito na 193 meters.
Sa ngayon ay wala nang panganib na nakikita ang PAGASA na maaari pang tumaas ang tubig at malampasan ang normal level nito.
Kasunod nito ay naganunsyo naman ang ahensya na makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa mga bahagi ng Palawan at Visayas bunsod pa rin ng Shear line.