-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Sinuspendi ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagpapakawala sana ng tubig ng Magat Dam kaninang alas-3:00 hapon.
Batay sa inilabas na abiso NIA-MARIIS ang pagsuspendi ng pagpapakawala ng tubig ay sa kadahilanang ang tinatayang dami ng ulan sa mga susunod na araw dulot ng bagyong Maring ay humina.
Ngayong alas-8:00 ng Gabi (October 10, 2021) ang water level ng Magat Dam ay 187.50 meter, may Inflow na 174.21 cubic meter per second at ang total outflow ay 337.22 cubic meter per second at walang spillway gate na nakabukas.