CEBU CITY – Walang dapat na ikabahala ang mga Cebuano kaugnay sa pagpapakita ng mga baby sharks malapit sa isang marine sanctuary sa Barangay Pasil, bayan ng Santander, Cebu.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR)-7, kumakain ang mga maliliit na pating ng maliliit ding isda kaya hindi dapat mag-aalala ang mamamayan.
Paliwanag pa ni BFAR-7 Director Allan Poquita na isang normal phenomenon lang ang pagpapakita ng mga young sharks tuwing Pebrero hanggang Marso.
Dagdag pa nito na nakakatulong ang mga lumalangoy na young sharks sa turismo ngunit iwasan muna ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa naturang sanctuary.
Sa ngayon, tinutugaygayan ng bantay-dagat ang lugar upang mapanatili ang kaayusan at sistahin nila ang sinumang manghuhuli sa mga pating alinsunod sa ordinansa ng lalawigan. (photo grabbed from video of Kier Belleza)