-- Advertisements --
MOVIES FILMMAKER FDCP LIZA DINO
Dialogue between FDCP and stakeholders

Inilipat sa Biyernes mula sa dating Miyerkules ang pagpapalabas ng mga bagong pelikula sa bansa.

Ayon kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño-Seguerra, layon nang paglipat ng araw ng mga local at international movies ay para mas maraming makapanood ng pelikula dahil sa weekends.

Ang nasabing hakbang ay resulta ng ginawang dialogue sa pagitan ng FDCP, producers, distributors at mga may-ari ng sinehan.

Magiging epektibo lamang ang nasabing kautusan pagkatapos ng 15 araw simula mailathala ngayon sa mga publication na may national circulation.

“This [Memorandum Circular] is the culmination of FDCP’s efforts to strengthen our industry practices and level the playing field for all our stakeholders – from film producers, to distributors, to our exhibitors, and even the audience – through a transparent and fair set of guidelines that addresses the gaps that have long plagued our industry when it comes to screening films in commercial theatres,” ani Diño-Seguerra na nanguna sa mga dayalog mula pa noong maupo siya sa puwesto noong taong 2016.

ice seguerra liza dino
FDCP chairperson Liza Diño and partner Ice Seguerra

Samantala, nagpaalala rin naman ang FDCP sa mga local cinemas na ang bayad sa panonood para sa mga kabataan lalo na sa mga estudyante na may edad 18-anyos pababa ay nasa P200 sa Metro Manila at maximum naman sa P150 sa mga probinsiya tuwing Miyerkules.