-- Advertisements --

Magiging online na lamang ang 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa coronavirus pandemic.

Ito mismo ang inanunsiyo ni committee spokesperson Noel Ferrer kung saan gagawin ang pagpapalabas sa araw ng kapaskuhan.

Sinabi nito na makakasama nila ang mga worldwide streaming service para mapanood sa computer at mga cellphone sa buong bansa at maging sa ibang bansa ang mga kalahok sa festival.

Dahil sa online and distribution ay mas maraming mga Pilipino ngayon ang makakapanood ng nasabing mga pelikula.

Magugunitang iniurong na rin ng MMFF ang deadling ng mga pagsumite ng mga natapos na pelikula mula sa dating Oktubre 15 ay magiging Nobyembre 15 na ito bunsod ng pandemiya.

Ilan sa mga pelikulang kalahok sa 46th MMFF ay ang “Mga Kaibigan ni Mama Susan”, “Magiklang” , “The Super Praybeyt Benjamin” at “The Exorcism of My Siszums”.