-- Advertisements --
Kinumupirma ng state weather bureau na itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam sa Norzagaray Bulacan.
Ayon sa ahensya, ngayong araw ay umabot na sa 100.35 meters ang lebel nito.
Ito ay mas mababa na kumpara sa normal na level nito na umaabot sa 100.10 meters.
Samantala, kinumpirma ng ahensya na sa ngayon ay patuloy ang pagbabawas ng tubig sa Ambuklao, Binga at Magat Dam sa bahagi ng Luzon.
Sa ngayon, pumapalo na sa 751.51 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao, ito ay may pagitan na 0.49 meters bago tuluyang maabot ang normal high-water level.
Ang Binga Dam naman ay nasa 573.91 meters habang ang Magat Dam ay nasa 186.12 meters.