KORONADAL CITY – Ikinagalak ng mga nabiktimang investors ng KAPA Community Ministry International ang inilabas na warrant of arrest ng Bislig Regional Trial Court laban sa founder nitong si Joel Apolinario, mga opisyales at mga promoters ng naturang investment scam.
Batay sa naturang warrant of arrest noong Pebrero 11, ipinag-utos ng RTC Branch 29 na arestuhin ang presidente itong si Apolinario, ang corporate secretary at asawa nitong si Reyna Apolinario, maging ang ibang mga promoters katulad nina Marisol Diaz, Moises Mopia, Adelfa Fernandico at Reniones Catubigan.
Sa isinampang reklamo ng Department of Justice, inakusahan nito ang kapa ang ilegal na pagsasagawa ng naturang scam, na isang paglabag sa RA No. 8799, o Securities Regulation Code.
Kaugnay nito, patuloy rin ang apela ng mga investors na ibalik na ni Apolinario ang perang kanilang inilagak sa KAPA.
Kung matatandaan, inaanyayahan ang publikong mag-invest ng hanggang P10,000 at makakatanggap umano ang mga ito ng 30 porsyentong balik ng pera.