BUTUAN CITY – Patuloy na isusulong ng administrasyong Bongbong Marcos ang edukasyon sa kabataan ng bansa lalo na sa Caraga Region.
Ito ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Surigao del Sur kahapon para sa distribusyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and their Families (PAFF) ilang araw lang matapos mag-resign bilang miyembro ng kanyang gabinete si Vice President Sara Duterte.
Ayon sa pangulo, nakapaglaan na ang gobyerno ng 1.5-bilyong pisong halaga para sa pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan maliban pa sa halos kalahating bilyong piso para sa pagpapa-ayos sa lumang silid-aralan.
Maliban dito’y aabot din umano sa 170-libong mga Caraganons na scholar ang makakatanggap ng pundong inilaan para sa mga programa ng Commission on Higher Education.
Nanawagan din siya sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na huwag sayangin ang mga nasimulan ng kanyang administrasyon.