-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang Foreign Minister ng Saudi Arabia para talakayin ang pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at ng Saudi Arabia.

Nakipagkita si Saudi Foreign Affairs Minister Prince Faisal bin Farhan Al Saud sa kaniyang counterpart na si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa DFA chief, napag-usapan ang aktibong engagement sa pagitan ng daalwang bansa gayundin ang mga oportunidad para sa economic cooperation sa pagsuporta ng development goals ng ating bansa.

Lumagda din ang Saudi Foreign Minister ng isang guest book sa Malacañang Palace.

Ipinaabot din nito ang pagbati ni King Salman at Crown Prince Mohammed bin Salman kay Pangulong Marcos.