CENTRAL MINDANAO- Suportado ng Provincial Development ng Cotabato Council ang pagsusulong ng registration ng National ID system, kabilang ito sa mga aprobadong resolusyon sa ginawang pagpupulong ng Provincial Development Council na pinangunahan ni Governor Nancy Catamco.
Naisulong rin ang pag-aproba ng pagtatayo ng Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) katuwang ang Kidapawan City.
Nabatid rin sa update na nasa DPWH na ang 20M pundo sa pagtatayo ng gusali..Maging ang pagsuporta sa proposed construction ng Philhealth Insurance Corporation Building sa bayan ng Midsayap ay naaprobahan.
Aprobado na rin ang pagpapatayo ng mga radio station sa mga paaralan na saklaw ng DepEd upang isulong ang panibagong mode of learning sa harap ng pandemya.
Inaasahan na magkaroon mas malawakang coverage ang mga radio stations ng paaralan ayon sa panukala ni Mayor Vicente Sorupia.
Naaprobahan din ang pagpapalawak ng Provincial Commodity Investment Plan upang mas mapatatag pa ang suporta para mga magsasaka.